April 28, 2024

VOLLEYBELLE ABY MARANO, INALASKA ANG NEWLY WED EX-BF GAMIT ANG MLBB TERM

Nagpahaging si volleybelle Aby Marano tungkol sa ex-BF na kakakasal lang sa isang social media influencer. Idinaan ng F2 Logistics at national volleyball women’s team ang pang-aalaskang tweets.

Nagpoked si Tyang Abby sa Instragram post ni Robert Bolick. Sarcastic ang tweets ng volleybelle gamit ang Mobile Legends: Bang Bang term.

 “When the time is right – iretri mo! GGWP!” aniya. Ang terminong ‘retri’ ay short for retribution. Kung saan, isa itong battlespell sa MLBB. Ginagamit ito upang i-secure o kaya’y magnenok ng jungle objectives mula sa oposisyon.

Ang pinakamahalaga dito, ginagamit ito upang todasin o i-snatch ang lord. Na isang importanteng layun sa nasabing laro. Pwede ring itong tukuyin sa pang-aagaw ng love interest. ‘Yan ay kung isa kang fan ng MLBB.

Nakatawag pansin naman sa mga sports fans ang tweet ni Marano. Kasama na rito si John Michael ‘Zico’ Dizon ng Netplay.

 “Faker may be in trouble into death mark, tries to clean it up for Ryu, OH LOOK AT THE CLEANSE, LOOK AT THE MOVES! FAKER! WHAT WAS THAT!” ani ng MLBB head coach.

Tumugon naman ang volleybelle sa reply ni coach Zico,

 “Ano to kya? Kanta ba to?”banat ni Tyang Aby.