May 16, 2024

VICE GANDA, LUMIPAT NA SA VIVA ARTISTS AGENCY

HINDI na ang ABS-CBN ang nagmamanage ngayon sa career ni Vice Ganda, lumipat na ang host/komedyante sa Viva Artists Agency dahil nga sa shutdown na nangyari sa ABS-CBN. Pero ang kasunduan ay hindi niya pwedeng iwan ang show niyang ‘It,’s Showtime.’

Pero under ABS-CBN pa rin si Vice, ang namamahala lang sa career niya ay ang Viva Artist Agency. Pagdating naman sa pelikula ay ang ABS-CBN pa rin naman at nadagdagan pa nga ito ng bagong show na ang title ay ‘The Vice Ganda Network’ na mapapanood sa YouTube.

“Finally, eto na yon. Pero di ka makapapaanood kung ‘di ka naka-register. Ibigsabihin, walang ka ring tsansa na makapaglaro at manalo.

“Samakatuwid, ang saklap kung di ka registered kaya mag-register ka na sa register.viceganda.com.ph,” ang pahayag ng komedyante.

“Wala nang bawian, promise! Magsisimula na talaga ang Gabing-Gabi Na Vice! Naku, matinding kulitan at harutan ang magaganap na na-miss ko nang gawin,” salaysay pa niya.

So, malinaw na sa ABS-CBN pa rin si Vice, pero ang mamamahala sa solo niyang showbiz career ay ang Viva Artists Agency na.