May 18, 2024

KATHNIEL, ‘DI PWEDENG TUMANGGAP NG OFFERS SA IBANG TV NETWORK

HINDI pwedeng lumabas ang KathNiel sa ibang TV Network, maliban na lang kung may basbas ito ng management ng ABS-CBN. Pwede sila sa digital platform na ang may hawak din ay ang Kapamilya Network.

Silang mga exclusive contract, hanggang walang project na ibinibigay sa kanila ay mananatiling tengga ang kanilang mga career. Hindi kagaya ng mga artistang hindi exclusive, any time pwede nilang lisanin ang ABS-CBN. Pero sa kaso ng KathNiel, hintayin nilang mapaso ang kanilang kontrata at doon pa lang sila pwedeng umalis.

Ang anunsiyo nga ng ABS-CBN o ng Star Magic, pwedeng tumanggap ang kanilang mga talents sa ibang network o gumawa ng programa pero ang mga exclusive talents nila ay hindi, puwera na lang kung papayagan nila ang mga ito.

Kaya nga iyong isa nilang talent ay nagpa-released na agad, dahil alam niyang matetenga rin ang kanyang career sa sariling network at pinayagan naman siya pero ang kondisyon ay hindi niya pwadeng iwan ang pang-tanghali niyang show.

Sa kaso ng KathNiel, waiting sila sa project na ibibigay sa kanila. Pero ang nasagap naming chika, patuloy itong susuweldo kahit wala silang project. Totoo kaya ang nasagap naming tsismis? Ang swerte naman nila.