May 2, 2024

Vic Manuel, mapupunta sa Phoenix Super LPG dahil sa ikinasang trade

Pagkatapos mai-trade ni Calvin Abueva sa Magnolia Hotshots, isasalang din sa trade si Vic Manuel.

Si Manuel ay kaibigan ni Abueva sapol nang maglaro ito sa Alaska Aces. Dahil sa trade deal, papalaot ito sa Phoenix Super LPG.

Ang trade papers ay ipinadala na PBA Commissioners’s Office. Inaaral na ito ngayon ng pamunuan ng PBA.

Ayon sa sources, ipapalit ng Phoenix sa Alaska ang No. 6 pick sa March 14 rookie draft. Ang rookie na ito ay dapat mapupunta sa Magnolia kapalit ni Abueva.

At dahil nga sa ikinasang trade, mapupunta ang rookie sa Phoenix kapalit ng binansagang ‘The Muscle Man’.