May 8, 2024

Vanessa Bryant, nagbigay ng heartfelt message sa birthday ng yumaong mister na si Kobe

Nagpaabot ng heartfelt message ang naiwang maybahay ni NBA legend at Lakers great Kobe Bryant na si Vanessa.

Ito ay bilang pagggunita at pagbibigay pugay sa asawa na nagdiwang ng kaarawan. Kung buhay si Kobe, 42-anyos na dapat ito.

Ipinahayag ni Vanessa ang kanyang saloobin sa social media. Aniya, nami-missed na niya ang mister at ang 13-anyos na anak nilang si Gianna.

Kahit na pribado ang Instagram account ni Vanessa, ilang media aoutlets ang kumuha ng screen shots ng mga posts niya. Naging viral ito kasabay ng pagbibigay pugay ng mundo sa tinaguriang ‘Black Mamba’.

Photo credit: Vanessa Bryant Instagram account

 “To my baby – Happy birthday. I love you and miss you more than I can ever explain. I wish you and Gigi were here to celebrate YOU!” sabi ni Vanessa .

“From his sweet kisses, big hugs, “loud ass deep laugh and smile.”

 “I think about your tenderness and patience all the time. I think about everything you would do in situations to help me deal with everything thrown my way.”

Inamin ni Vanessa na kulang ang buhay niya nang mawala ang asawa at anak dahil sa insidente. Ngunit sa kabila nito, sinisikap nila na maging matatag at malakas.

Bukod kay Vanessa, naiwan din ni Kobe at Gianna sina Natalia, Bianka at Capri.

 “I’m not the strong one, they are,” she said. “I’m sure you’re proud of them,” aniya.