May 10, 2024

Orlando Magic, turit sa suwag ng Milwaukee Bucks

Kumamada ng 31 points si Giannis Antetokuonmpo sa pagsuwag ng Milwaukee Bucks sa Orlando Magic, 121-106 sa Game 4 ng NBA playoffs.

Humablot din si Giannis ng 15 boards at 8 assists. Nag-ambag naman ng 21 si Chris Middleton sa pagdomina ng Bucks sa Orlando.

Giannis Antetokuonmpo dunks the ball (Ashley Landis-Pool/Getty image)

Kaya naman, abanse na sa series ang Bucks, 3-1. Tumulong naman si Wesley Matthews sa pagrekta ng 12 puntos. Gayundin si Brook Lopez na nagdagdag ng 10.

Ginulat ng Magic sa Game 1. Nakipagsabayan uli sila sa Game 4. Katunayan, hindi sila nagpaiwan sa Bucks sa loob ng three quarters.

Ngunit, nakaungos ang Milwaukee, 84-81 sa 4rth. Mula rito, kumamada ng 18-3 run ang Bucks. Kaya, natambakan ang Orlando.

Pinilit pang humabol ng Orlando. Ngunit, hindi nagpatinag sina Giannis at tuluyan nang lumayo sa 4:21 clock.

Samantala, gumawa naman ng 31 puntos, 11 boards at 7 assists si Nikola Vucevic sa Magic. Nagdagdag naman ng 15 points, 7 assists at 5 boards si Markelle Fultz.