May 5, 2024

Utol ni Percy Lapid duda sa self-confessed gunman… SIYA BA TALAGA ANG PUMATAY?

Duda ang kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa kaugnay sa suspek sa pagpaslang na ipinirisenta ng mga pulis sa media.

Sa isang panayam, aminado si Roy na hindi siya kuntento sa inarestong suspek na si Joel Estorial.

Aniya, hiling niya bigyan siya ng pagkakataon na makaharap si Estorial at magkaroon ng walkthrough sa pinangyarihan ng krimen.

Dagdag pa ni Roy, nais niya sana na makumpara sa telebisyon ang inarestong suspek sa litratong hinihinalang suspek sa krimen.

Sinabi pa ni Roy na ilang araw na nasa kustodiya ng mga pulis si Estorial. Aniya, noong Biyernes pa pinaalam sa kaniya ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na hawak na nila ang suspek at hindi rin daw pinaalam sa kaniya ng mga pulis na ihaharap nila si Estorial sa media ngayong araw.