April 29, 2024

UTAH JAZZ, PINAPAK ANG DENVER NUGGETS

Pinapak ng Utah Jazz ang Denver Nuggets sa isang blow-out win, 125-102. Nanguna sa panalo ng Jazz si Donovan Mitchell na naglista ng 31 poinsts, 5 boards at 4 assists.


Nag-ambag naman ang nagbabalik na si Rudy Gobert ng 18 points at 19 rebounds. Bumira naman sa Nuggets si Nikola Jokic ng triple-double. Naglista ang Serbian big man ng 25 points, 15 boards at 14 assists. Kumana naman si Aaron Gordon ng 20 points, 7 rebounds at 6 assists.


Tinagpas din ng Jazz ang kanilang 4-game losing streak sa nakuhang big win. Sa umpisa ng laro, lamang ang Denver. Ngunit, nakaungos ang Jazz sa bandang dulo ng 1st quarter. Naging maganda ang depensa, ball rotation at rhythm ng opensa ng Utah. Kaya, natambakan nila ang Nuggets.


Inalagaan nila ang kalamangan hanggang sa matapos ang regulation.