May 18, 2024

FORMER CHESS COACH NG CSB, INIREKLAMO NG PANGMO-MOLESTIYA

Inakusahan ang dating chess coach ng College of St. Benilde (CSB) ng teenage molestation. Ayon sa isang ‘Neneng’ na nagpaunlak ng panayam sa Raffy Rulfo in Action (RTIA), nireklamo niya si coach Fernie Donguines. Si Dongguines ay dating NCAA ‘Coach of the Year awardee noong kanyang stint sa CSB.

Pahayag ng teenager, nagsimula siyang molestiyahin ng coach noong 2019. Naulit pa ito ng ilang beses.

Nakasuhan na siya (Donguines), pero wala pang na-schedule na hearing,” ani ng teenager sa host ng RTIA na si Sharie Roman.

Madalas aniyang magtungo ang dalagita sa bahay ni Donguines. Kasi, kaibigan niya ang anak ng coach. nakiki-internet din siya roon para makapag-research. Dito na umano nangyari ang molestation, na nakunan pa ng video.


“Biglang lumapit si manong naka-sando, si Sir Fernie. Tapos niyakap niya yung bata, tapos yung kaliwang kamay niya ay nasa maselang bahagi na po ni Neneng,” sabi ni Sharie.