May 19, 2024

Umalma sa pambabatikos ng kapwa Kapamilya stars… TONI GONZAGA: RESPETO AT PANG-UNAWA ANG DAPAT PAIRALIN ‘DI ANG PANGHUHUSGA

ITO ang naging trending post ni Toni Gonzaga sa Instagram na talaga namang umani ng samu’t saring reaksyon sa social media.

Ayon mismo sa aktres, hindi dapat sisihin ng ilang mga Kapamilya supporters ang mga nasa posisyon kung bakit napasara ang ABS-CBN. Naniniwala si Toni Gonzaga na may dahilan ang lahat kung bakit nangyari ito sa kanilang Home Network.

“Ang hindi lang maganda kasi ay mukhang hindi nirerespeto ng ibang stars ang naging desisyon ng 70 mga congressman at congresswoman, at ito ang ginagawa nilang dahilan upang makahikayat ng kanilang kapwa artista para tuluyang mag-rally. May rason kasi kung bakit nangyari ang mga iyan? Sana irespeto na lamang ito dahil ginagawa naman nila iyan dahil trabaho nga nila,” paliwanag ng aking source.

“Ilang hearing ba ang ginawa? Kung napanood ninyo ay talagang binusisi nila ang lahat, at nakita naman natin na mayroong talagang pagkakamali ang network. Umaasa naman sila na mabibigyan ito ng muling pagkakataon, at sana huwag na tayong magpalaki pa ng gulo kasi lalo lang nawawalan ng kasiguraduhan kung mag-o-operate pa ba o tuluyan nang masasara,” nakangiwing pahayag sa akin ng aking source.