May 17, 2024

UAAP AT NCAA, TARGET IKASA ANG OPENING NG LIGA SA PETSANG MARSO 26

Magsasabay ng opening ang UAAP at NCAA sa target date na Marso 26.Gayunman, wala pang pormal na anunsiyo ang dalawang prestigious collegiate league sa bansa.


Ang hinuha ay dahil sa lumabas na ulat ng ‘The Benildean’, opisyal na publication ng College of St. Benilde. Kung saan, nalagay ang petsang Marso 26 na opening date ng NCAA.


Subalit, isinaalang-alang pa ang sitwasyon. Lalo pa’t humaharap pa ang bansa sa hamon ng COVID-19. Anila, malamang na magbago pa ang nasabing date.


Halos dalawang taon na ring tengga ang liga dahil sa pandemya. na hindi naikasa ang liga. Pero, kung matutuloy, uunahin nila ang basketball tourney. Susundan naman ito ng volleyball.