May 2, 2024

JAMES HARDEN, DI MAKALALARO SA ALL-STAR GAME

Hindi makalalaro si James Harden sa darating na NBA All-Star Game. Bukod dito, baka sa susunod na linggo na rin siya makalalaro sa Philadelphia 76ers.
Pinalitan na rin siya na kasama sana sa Team LeBron. Kung saan, ang humalili sa slot niya ay si Jarett Allen ng Cleveland Cavaliers.
Ito ay dahil sa nagpapagaling pa si ‘The Beard’ sa natamong injury. Iniinda kasi nito ang kanyang hamstring strain.
Sinisiguro lamang ni 76ers coach Doc Rivers na mabuti ang lagay ni Harden. Kapag ayos na ang kondisyon nito, maaari na itong maglaro. Gayunman, kung mapaaga-aga ang paggaling, pwede nang sumabak si Harden.