May 17, 2024

TV SHOW NI WILLIE REVILLAME MAPAPANOOD NASA TV5

ANG start ng airing ng show ni Willie Revillame ay 2:30 – 4:00 pm, after ng TVJ ‘Eat Bulaga’ show kung hindi mababago sng mga napag-usapan.

Ngayon April ang schedule ng pag-pirma ni Kuya Will ng kontrata sa Media Quest, ang kumpanyang nagmamay-ari sa TV-5 para sa bagong show na gagawin ni Kuya Will sa Kapatid network.

“Ang bagong show ho, ay co-production ng production ni Kuya Will at ng Media Quest. Mukhang hindi na ‘Wowowin’ ang title nito dahil pinag-uusapan pa, kasama narin ang oras at ang airing nito.

“Plantsado na ho lahat, kaya wait na lang natin ang announcement ng TV-5 kung kailan ito mag-start ng kanilang airing ng nasabing show ni Kuya Will sa TV-5. Dahil nakipag meeting na siya sa TV-5 at Cignal bosses,” pahayag pa ni Miss. Bubuwit na aking source.