May 21, 2024

LEA SALONGA VS REGINE VELASQUEZ PARA SA NATIONAL ARTIST AWARD

PABOR ang mga netizens kung si Leah Salonga ang tatanggap ng National Artist Award, kumpara kina Vilma Santos at Regine Velasquez. Maging si National Artist Nora Aunor, ay si Leah Salonga rin ang choice nito.

“National Artist ang pinag-uusapan dito, si Leah Salonga ay akma at pasado sa mga criteria ng CCP at NCCA. Si Ms. Leah, ginawa niya na ang ating bansa na maging proud for being 1st  Southeast Asian Actress na nanalo bilang Best Actress for theater Arts sa TONY’S sa ‘Ms. Saigon.’

“Pinasikat din niya ang Pilipinas ng kantahin niya ang theme songs ng ‘Alladin’ at ‘Mulan,’ hinangaan lalo siya sa husay niya sa pagganap sa ‘Ildivo.’ Pera pa iyong mga local musical Awards na natanggap niya sa ating bansa.

“Regine is a very good singer, naghakot na rin ito ng iba’t-ibang awards sa music industry. Pero hindi pa siya pasado sa criteria ng CCP at NCCA.

“Vilma Santos, mahusay ding actress, pero ang movie niyang ‘Extra’ at ‘When I Met You In Tokyo’ ay semplang sa Box-office. At ang kanyang ‘WIMYIT,’ ay pinagdudahan at nagkaroon siya ng bad image. Kaya ang ending, kung ipinasok siya fot National Artist ay tiyak na laglag siya,” kwento pa ni Miss. Bubuwit na aking source.