April 28, 2024

TOTOY NA PWD, PATAY SA SUNOG SA TONDO

PATAY ang isang 12-anyos na person with disability (PWD) sa nangyaring sunog sa Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktima na si Carlo Cruz, maysakit umanong down syndrome.

Dakong alas-11:17 nang umaga nang magsimula ang sunog sa Sandico Street sa panulukan ng Barcelona St., sa Brgy. 35, Zone 3, District 1.

Mabilis na kumalat ang sunog na tumupok sa may 20 kabahayan na pawang gawa sa light materiuals.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Pahirapan umano sa suplay ng tubig sa pag-apula ng apoy dahil sa kawalan ng fire hydrant. Pasado ala 1:00 ng hapon nang ideklarang fire-out.