April 28, 2024

2 PULIS NA SANGKOT SA KIDNAPPING SA E-SABONG MASTER AGENT, SUMUKO

Sumuko na ang dalawang pulis sa Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Team 4-A matapos na isilbi ang warrant of arrest kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa pagdukot sa isang e-sabong master agent.

Ayon kay PNP-IMEG Director Police Brigadier General Warren de Leon, ang mga sumukong pulis ay sina Police Patrolman Rigel Brosas at Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan.

Humaharap ang dalawang pulis sa kasong kidnapping, serious illegal detention at robbery with violence charges.

Na-relieve ang mga ito sa pwesto kasama ang isa pang police officer dahil sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito.