May 15, 2024

TOP 20 BUSINESS AND REALTY TAXPAYERS SA NAVOTAS, PINARANGALAN

PINARANGALAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business and Realty Tapayers bilang pagkilala sa kanilang naging ambag sa pag-unlad ng lungsod kasabay ng pagdiriwang ng ika-117th anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas City.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod ang isinagawang Awarding ng plaque of recognation sa top 20 taxpayers na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

Kabilang sa mga pinarangalan ang Therma Mobile, Inc., Phil. Ecology Systems Corporation, Ferna Corporation, Seaport Royale Inc., at iba pa.

Pinasalamatan naman ng Tiangco brothers ang mga taxpayers, mga opisyal, mga residente ng lungsod, mga department of heads, at pribadong organisasyon, at sector ng negosyo dahil sa kanilang walang-humpay na suporta sa pamahalaan at sa kanilang ambag sa patuloy na pagtaas ng antas ng pamumuhay sa Navotas.

“Maraming salamat sa inyong kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa ating lungsod at sa inyong pagsuporta sa layunin ng ating pamahalaang lungsod na itaas pa ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Navoteño,” pahayag ng magkapatid na Tiangco. (JUVY LUCERO)