May 15, 2024

Mangingisdang Navoteños, pinarangalan

BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang mga Navoteñong mamamalakaya sa Araw ng Mangingisda bilang bahagi ng ika-117 anibersaryo ng Navotas. Kabilang sa mga aktibidad ang Karera ng Bangka, Net Mending Competition, paggawad ng NavoBangka sa 20 rehistradong Navoteñong mangingisda at pinarangalan din ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk na itinangahal bilang top 1 si Tatay Rodrigo Corales ng Brgy. NBBN. (JUVY LUCERO)