May 19, 2024

TONI GONZAGA,DINEDMA ANG BASHER SA ISYU NG ABS-CBN

NAMIGAY nang ayuda itong si Ms. Toni Gonzaga, mas pinagtuunan niya nang pansin ang pagtulong. Inuna niyang tinulungan ang kanyang mga kasamahan na nawalan nang trabaho para sa comedy sitcom nilang ‘Home Sweetie Home.’

Ayon kay Gonzaga, buo ang kanyang loob sa pagsuporta sa kanyang home network na ABS-CBN. Subalit kailangan niyang hatiran ng tulong ang kanyang mga kasamahang nawalan ng hanapbuhay sa kanilang comedy sitcom na “Home Sweetie Home”.

Samantala, nagparating ng pasasalamat ang kanyang mga natulungan at nag-post ng ilang mensahe mula sa mga ito sa kanyang FB account.

Aniya, hindi niya binibigyan ng halaga ang mga bashers sapagkat ang mas mahalaga daw ang ginagawa niyang pagtulong.