May 5, 2024

TITSER, TODAS SA TUKLAW NG AHAS

AURORA – Nasawi ang isang 39-anyos na babaeng guro sa nasabing lalawigan. Ang biktima ay si Riza Laureano na isang titser sa San Luis Elementary School.

Ayon sa ulat, natuklaw ng Philipphine Cobra ang guro sa loob mismo ng paaralan.

Ayon sa salaysay ng kapatid nito na si Michelle Donato, nasa loob ng banyo ang titser. Nang palabas na ito, tinuklaw ng ahas ang guro na nasa cabinet.

Nangyari ito nang hinawi ni Laureano ang kurtina sa cabinet na katabi ng palikuran. Kung kaya, natuklaw ito sa kamay.

Isinugid naman kaagad sa ospital ang biktima. Subalit, napag-alaman na walang anti-venom ang pagamutan. Anupa’t ito ang ikinasawi ni Laureano pagkatapos ng tatlong oras.