May 28, 2024

TIM CONE, MAGIGING BAHAGI NG GILAS COACHING STAFF

Balik si coach Tim Cone sa national team duty bilang bahagi ng coaching staff ng Gilas Pilipinas. Mismong si Samahang Basketbol ng Pilipinas program director coach Chot Reyes ang nag-anunsiyo nito. Inaprubahan naman ng SBP at MVP Group officials ang hakbang na ito.

Sa pagkakasalang ng Ginebra coach sa team, mapapalakas nito ang taktika ng Gilas. Makakasama rin sa staff si dating New Zealand mentor Nenad Vucenic.

Naghahanda na sa ngayon ang national team sa third window ng 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers. Na idaraos sa June 30 sa Auckland at sa July 3 sa MOA Arena. Pinaghahandaan din ng Gilas ang 2022 Fiba Asia sa Indonesia.

Nagsilbing coach si Cone sa Centennial Team noong 1998 Asian Games sa Bangkok. Huli siyang naging coach sa 30th SEA Games noong 2019 Manila Edition.Kung saan, ginabayan niya ang team sa pagsikwat sa gold medal.