Pormal nang binuksan ng Technical Education and Skills Development Authority – National Capital Region (TESDA NCR) ang WorldSkills Philippines – NCR 2026 ngayong April 21, 2026, sa TESDA Auditorium sa Taguig City.
Ang nasabing Kick-Off Program ay dinaluhan ng government leaders, industry partners, at mga training institutions upang pag-isahin ang mga hakbang sa pagpapaangat ng antas ng technical-vocational excellence sa rehiyon.
Sa ilalim ng temang ito, bibigyang-diin ang 38 competition skill areas na sumasaklaw sa mga pangunahing industriya gaya ng construction, information technology, creative industriesat manufacturing.
Ayon kay TESDA NCR Regional Director Angelina M. Carreon, malaki ang papel ng kompetisyong ito sa paghubog ng mga manggagawa.
“WorldSkills is more than a competition—it is a national platform for excellence, discipline, and transformation. It empowers Filipino talent to meet global standards and seize international opportunities,” aniya.
Kasabay ng paglulunsad, muling kinilala ang mga naging tagumpay ng NCR sa nakalipas na WorldSkills ASEAN Manila 2025.
Kabilang sa mga nagbigay ng dangal sa bansa ang mga Gold Medalists na sina Hannah Krystelle Caintic para sa Graphic Design Technology, at sina Steven Retirado at John Patrick Torres para sa CNC Maintenance.
Nagwagi rin ng Bronze Medal sina Cedric Milsen Palaganas at Raphael Luis S. Llave, habang nakakuha naman ng Medallion for Excellence si Glen Angelo Bautista.
Ipinahayag naman ni TESDA Deputy Director General Vidal Villanueva na ang tunay na adhikain ng ahensya ay hindi lamang nagtatapos sa pagkamit ng mga medalya
“Through WorldSkills, we are not only preparing competitors—we are shaping a workforce that is agile, innovative, and responsive to industry needs,” saad niya.
Ang programa ay kinapapalooban din ng paglalabas ng official 2026 theme at presentasyon ng mga eksperto.
