SIMBOLO NG PAGKAKAISA. Pinagtibay ng Meralco Power Academy (MPA) at Mindanao State University-General Santos (MSU-GenSan) ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng "PowerConvos" lecture series na ginanap sa MSU-GenSan campus noong April 15, 2026. Makikita sa larawan (L-R) sina MPower Strategic Account Management Head Anna Faureen Quintos; MPA Executive Director Ian Chester V. Colorina; MSU GenSan Dean of the College of Engineering Noel Gunay; MSU-General Santos Chancellor Shidik Abantas; Meralco EVP, COO at MPA President Ronnie L. Aperocho; Meralco SVP Arnel D. Casanova; Meralco SVP Ferdinand O. Geluz; at MPA Director for Advocacy and Communications Kathleen Kristy Dorico.
Sa layuning mas mapatibay ang pundasyon ng susunod na henerasyon ng mga eksperto sa enerhiya, dinala ng Meralco Power Academy (MPA) ang kanilang flagship program na PowerConvos sa Mindanao State University-General Santos (MSU-GenSan) noong April 15.
Higit sa 1,000 engineering students ang nakiisa sa nasabing lecture series kung saan tinalakay ng mga eksperto mula sa Meralco, sa ilalim ng pamumuno ni Manuel V. Pangilinan, ang mga makabagong teknolohiya sa grid modernization at digital solutions.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng commitment ng kumpanya sa nation-building at inobasyon sa sektor ng enerhiya.
Naging espesyal ang okasyon dahil ang mismong Meralco Executive Vice President at COO, na siya ring MPA President na si Ronnie L. Aperocho, ay isang proud alumnus ng MSU.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya kung paano binabago ng Meralco ang operasyon ng distribution utility sa bansa.
Aniya, bagaman sa Luzon ang sentro ng kanilang operasyon, pareho ang hamon na kinakaharap ng grid sa buong bansa.
“Over the past few years, Meralco has been deliberately revolutionizing distribution utility operations—deploying advanced distribution automation up to the grid-edge, big data analytics and other cutting-edge, resilient and cyber-secure systems and platforms,” pahayag ni Aperocho.
Binigyang-diin naman ni Meralco Senior VP Ferdinand O. Geluz ang kahalagahan ng digital transformation. Ayon sa kaniya, ang husay sa engineering ay hindi lamang tungkol sa imprastraktura kundi sa pagbibigay ng serbisyong mabilis at simple para sa publiko, gaya ng My Meralco App na nagpapadali sa billing at payment.

Bilang simbolo ng mas pinalakas na ugnayan, nag-donate ang Meralco ng mga specialized power equipment sa MSU-GenSan. Kabilang dito ang 34.5 kV switchgear, battery charger, at iba pang digital multimeters upang magkaroon ng hands-on exposure ang mga estudyante sa industry-grade technologies.
Ayon kay MSU-General Santos Chancellor Shidik Abantas, ang mga ganitong partnership ay hindi lamang nagtutulay sa teorya at praktis, kundi ito ang pundasyon ng kinabukasan.
“By fusing academic rigor with industry excellence, we ignite the sparks of innovation that will light the way for generations to come,” dagdag pa ni Abantas. (MINA PADERNA)
