May 20, 2024

Tennis teen sensation Alex Eala, pinayuko ng Slovakian sa Miami Open

Naging matindi ang sagupaan ni PH tennis sensarion Alex Eala sa 11th seed na si Viktoria Kuzmova ng Slovakia. Tumagal ng 2 oras ang match bago yumuko sa iskor na 6-4,4-6, 2-6 ng qualifying match ng 2021 Miami Open sa hard Rock Stadium.

Nakaabot sa Round of 32 ang 22-anyos na si Kuzmova noong 2019 French Open. Siya ay current world No. 104 sa tennis.

Ang 15-anyos naman na si Eala ay current Australian Open juniors champion. Kasalukuyan ding 756th sa WTA Rankings.

Naitarak ni Kuzmova ang panalo sa Pinay teen ang service game sa final at deciding set. Nakaungos din ito ng commanding 5-1 lead pagkatapos ng palitan ng service breaks.

Sa opening ng match, nakalamang si Eala ng 2-0  bago nahabol ng Slovakian sa 3-2. Sa kabila ng pagkatalo, ang debut ni Eala sa Miami Open ay maituturing na biggest milestones ng kanyang tennis career.

Kung saan, nagtipon-tipon sa torneo ang mahuhusay na tennis players sa mundo.