April 25, 2024

Youtuber na na-monetized agad sa loob ng 2 weeks na may 3 videos lang

Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic, marami na ang gumagawa ng videos. In short, mga vloggers. Mapa- Youtube man o Tiktok.

Ang totoo, kinakariri na ng iba ang pagiging vlogger. Kapag kasi na monetized na ang isang channel, pwede itong maging source of income.

Kaya marami na ang nagiging interesadong maging vloggers o maging Youtubers.Pero, hindi ito ganoon kadali. Kailangang ma-meet mo muna ang requirements na 1000 subcribers at 4000 watch hours. Whew!

Pero, may ilan agad na nagging instant hit ang kanilang channel. Kabilang na rito si Roselle Vytiaco. Isa rin siyang model.

Two weeks pa lamang siyang vlogger, na-monetized na agad ang kanyang channel na “Love, Rosy” na may 3 video lang nun.

Mayroon na siyang 9800 subscribers so far. Aniya, naging source ito ng extra income.

I’m not really confident seeing nor hearing myself talk in front of the camera because it’s totally different from what I do as a commercial model.

“But since the pandemic started, it greatly affected our industry and that’s why I had to look for other source of income,” aniya.