May 15, 2024

TEAM REBISCO AT CHOCO MUCHO, NAKALAPAG NA SA THAILAND

Nakalapag na sa Thailand ang Team Rebisco at Team Choco Mucho para sa sasabakang torneo. Ang 2 teams ay inasembol at kakatawan sa Philippines women’s volleyball team. Na papalo sa 21st Asian Women’s Club Volleyball Championship.


Ito rin ang unang pagkakataon na lalahok ng bansa sa international competition sa ilalim ng Philippines National Volleyball Federation (PNVF).

Pangungunahan ni Aby Maraño ang Team Rebisco na kabilang sa Pool B.Habang ang Team Choco Mucho na tinitimunan bilang captain ni Iris Tolenada ay kasama sa Pool A.


Sumailalim sa swab test ang volleybelles bago umali ng Maynila. Pero, muli siyang sasailalim sa isa pang round ng COVID-19 tests sa bisperas ng torneo. Gagawin ang swab test sa Thailand kada tatlong araw.