May 11, 2024

Talo pa ang matrona at bakla… KIM CHIU, MALAS SA BOYFRIEND MGA BINIGAY NA MAMAHALING REGALO ‘DI BINAWI

MUKHANG malas sa lalaki itong si Kim Chiu, biruin ninyong sa tagal nilang mag-kasintahan ni Gerald Anderson ay na uwi rin ito sa hiwalayan.

Nang si Xian Lim naman ang naging boyfriend niya, nauwi rin ito sa hiwalayan.

Pero bongga pala mag-‘givesung’ ng regalo si Kim, “dahil ho generous si Kim kay Gerald. Give ang hitad  ng mamahaling Rolex watch, 65-inch na led TV, golf cart, refrigerator at mamahaling rubber shoes.

“Iyong kay Xian Lim, hindi na niya binanggit pa, kasi nga mahal daw niya kaya secret na lang daw iyong mga na-invest niya sa actor for 13 years.”

“Pero ni isa sa mga binigay niya ay wala siyang binawi, at talo pa niya ang matrona at bakla sa pagiging generous niya sa mga lalaking kanyang minahal,” malungkot na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.