May 28, 2024

Dahil pang MMFF ’24… ‘ALYAS POGI 4’ NI BONG REVILLA MADUGO SA GASTOS AT DE-KALIDAD NA PELIKULA

DAHIL tapos na raw ang taping niya sa kanyang weekly series sa GMA 7 na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2,’ ang pagkakaabalahan naman daw niya ngayon ay ang paggawa niya ng pelikula.

“Nag-start na nga silang mag-shooting, at tiniyak ho ni Sen. Bong Revilla Jr. na isang makaking pelikula ito ng Imus Production ang ‘Alyas Pogi 4.’

“De-kalidad at talagang ginastusan nila ang pelikulang entry nila sa darating na Metro Manila Film Festival 2024, at sumugal sila upang makatulong para isulong ang ating movie industry.

“Kaya muli na namang sisigla ang ating MMFF ’24, dahil hindi lamang movie niya ang magpapasaya sa taunang festival, Alam niyang hanggang ngayon ay andiyan parin ang mga followers ng ‘Alyas Pogi 4,'” masayang pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.