May 1, 2024

MILAGRO NANG MAG-RECONCILE PA SINA KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

MILAGRONG mag-reconcile pa sina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, ngayon pang nakawala na si Kathryn kay Daniel sa tingin ninyo babalikan pa ba niya si Dj? Sarap kayang maging malaya ano?

Noong una super sakit kay Dj, na nawala sa poder niya si Kathryn Bernado at sobra niya itong dinamdam at iniyakan, habang iyong isa ay nagpapakasaya.

“Pero mas masakit ang mga nakikita niya ngayon, iyong sweetness nila Alden Richards at Kathryn Bernado. Masakit man pero tanggap naman niya na ang lahat, dahil wala na nga siyang magagawa pa.

“Ngayon ho, tutok si Dj sa mga negosyo niya, at sa mga projects na naka-line ups. Isa hong sign iyan, para lubusan na siyang makapag-move on sa kanyang buhay pag-ibig,” pakli pa ni Miss. Bubuwit na aking source.