May 16, 2024

STRIKE AGAIN SA BACOOR CITY, MATUTUPAD NA!

BACOOR, CAVITE

Matutupad na sa wakas ang minimithi na pangarap ng mga Bacooreños, ang bumalik sa kanila piling bilang alkalde si Deputy Speaker Strike Revilla.

Ito ang mga naging pahayag ng mga Bacooreños matapos magsagawa ng “Kalinga sa Matanda” si Rep. Revilla at personal mag-iikot upang alamin ang kalagayan ng mga Senior Citizens sa Bacoor City.

Si Rep. Strike na natakbo muli bilang alkalde at walang kalaban sa darating na eleksyon 2022.

“Kailangan ko po personal malaman ang kanilang kalagayan. Patuloy po natin bibigyan halaga ang mga nakakatanda. Patuloy natin pag-aasensuhin ang Bacoor at mamamayan dito,” maikling pahayag ni Revilla.

Dagdag pa nito, “Itutulak po natin ang mga bagong programa na magiging malaking tulong sa lahat lalo pa ngayon na nahaharap pa din sa pandemya ang bansa.”