May 17, 2024

Stevenson wagi sa WBC world lightweight title

Nagwagi si undefeated American fighter Shakur Stevenson laban kay Edwin De Los Santos ng Dominican Republic sa pamamagitan ng unanimous-decision.

Dahil sa panalo ay nakamit nito ang bakanteng WBC world lightweight crown sa laban nila na ginanap sa Las Vegas.

Ang 26-anyos na si Stevenson ngayon ay mayroong 21 panalo at wala pang talo na mayroong 10 knockouts.

Naging maliit lamang ang panalo ni Stevenson dahil sa mga resulta na ibinigay ng referre na 115-113, 116-112, 116-112 .

Umabot lamang sa 40 na suntok ang naipasok ni De Los Santos sa loob ng 12 rounds na siyang pinakamababang suntok mula ng maipakilala ang Compubox statistics 38 taon na ang nakakalipas. RON TOLENTINO