May 17, 2024

BARANGAY GINEBRA NILASING ANG CONVERGE, 100-86

Nalusutan ng Barangay Ginebra ang Converge FiberXers 100-86 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo ang import ng Gins na si Tony Bishop na nagtala ng 34 points habang mayroong 25 points at 16 na rebounds si Christian Stanhardingers.

Sa simula ng laro ay dominado ng Converge ang laro kung saan lamang pa sila ng limang puntos 30-25 sa pagtatapos ng unang quarter. Pagpasok ng ikalawa hanggang last quarter ay umarangkada na ang Ginebra. RON TOLENTINO