May 18, 2024

BOYET DE LEON, INISNAB NG BAGUHANG BAGETS NA ACTOR

HUMIHINGI ng respeto ang beteranong aktor na si Christopher de Leon matapos siyang isnabin ng mga baguhang artista, pero hindi ba’t gawain din naman niya iyon? Hindi ba may ugali ka pa noon na ayaw mo sa mga fans na laging nasa bahay ni Nora noong asawa mo pa ito? Siguro kaya pangit ang pakitungo nila sa’yo, may nakitang ayaw sa’yo kaya kanila iniisnab.

Ako nga noon dumaan iyang si Christopher de Leon, binati ko pero ginantihan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tapos deretsong umalis, sa Luneta iyon sa backstage. Parade of star iyon, kaya simula noon pag nagkakaharap kami sa event hindi ko na binabati iyan.

Minsan kasi bago kayo humingi ng tratong respeto, tignan n’yo muna ang sarili ninyo kung dapat ba kayong irespeto. Kasi madalas nahihiya silang lumapit o baka takot, dapat unawa rin. At kung ayaw talaga kayong pansinin, dedma na lang din. Halatang pang promo lang iyang angal mo.