April 29, 2024

STEPHEN CURRY, NANGUNA SA PAGDISKARIL NG WARRIORS SA TRAILBLAZERS

Nagpasabog ng 32 points si Stephen Curry sa pagdiskaril ng Golden State Warriors sa Portland TrailBlazers, 118-103. KUmana din ang tinaguring ‘The Chef’ ng 8 assists at 7 rebounds.


Tumulong naman si Andrew Wiggins sa pagbuslo ng 25 points, 5 boards at 2 assists. Nag-ambag naman si Jordan Poole ng 14 points. Si Draymound Green naman ay bumira ng 12 points.


Sa panig naman ng Portland, naglista si Damian Lillard ng 16 points at 6 assists. Habang si CJ McCollum naman ay bumira ng 16 points at 7 rebounds.


Narito ang iba pang resulta ng laro sa liga ngayong araw. Walang laro kahapon dahil sa Thanksgiving Day celebration.


Bucks 120- Nuggets 109
Spurs 96- Celtics 88
Bulls 123- Magic 88
Suns 118- Knicks 97