April 27, 2024

DE’ AARON FOX, BUMIDA SA PAGLIKIDA NG KINGS SA LAKERS

Bumida si De’Aaron Fox sa paglikida ng Sacramento Kings sa Los Angeles Lakers, 141-137. Bumira si Fox ng 34 points, 6 boards at 8 assists. Umalalay naman si Buddy Hield ng 25 points, 6 assists at 4 boards.


Sa panig naman ng Lakers, kumana si LeBron James ng 30 points, 11 assists at 7 rebounds. Si Russell Westbrook naman ng triple-double. Naglista siya ng 29 points, 11 assists at 10 boards.


Habang si Anthony Davis naman ay gumawa ng 23 points, 8 boards at 4 blocks.
Sa ngayon ay pang 7th seed ang Lakers sa Western Conference sa record na 10-11. Habang pang-11th seed naman ang Kings sa record na 8-12.