May 17, 2024

SKIMPY SWIMSUIT PHOTO NI KC CONCEPCION, MALASWA RAW ANG DATING?

LAST August 4, 2020 ay nag-post si KC Concepcion sa kanyang Instagram account ng photo na naka-skimpy swimsuit siya na nakatalikod at kita ang buong likod nito at ang kanyang pwet. Maganda naman ang dating nang nasabing photo, pero na bash ito ng isang netizen na ang sabi ay ‘laswa tignan.’

Hindi na lang iyon pinansin ni KC, at sa halip ay inenjoy na lamang niya ang nasabing araw. Mga fans ni KC, ang nagtanggol sa kanya. Ano raw ba ang karapatang manlait at sabihan si KC na malaswang tignan? Siya ba kaya niyang magdala ng skimpy swimsuit?

Isip-isip daw muna bago magpahayag ng kanilang sa loobin sa FB, dahil hindi raw papayag silang mga fans ni KC Concepcion na laitin ang kanilang Idol ng basta-basta na lamang.

Wala namang malaswa sa ginawang post na iyon ni KC Concepcion. Bagay nga at ang ganda ng dating, at dahil sa skimpy swimsuit na suot niya ay lalo siyang naging sexy at maganda.