May 20, 2024

Kilalang Filipino YouTuber na si Emman Nimedez, pumanaw na

PUMANAW na ang YouTube content creator Emman Nimedez matapos makipaglaban sa leukemia sa edad na 27.

Mismong ang kanyang girlfriend na si Peachy Santos ang nagkumpirma sa pagyao ni Emman sa Facebook account ng kanyang boyfriend. Aniya dakong alas-1:00 ng madaling araw nang malagutan ng hininga ang kanyang kasintahan.

Isinugod ang kilalang YouTube blogger sa Intensive Care Unit (ICU) noong Agosto 13.

“Nawalan po siya ng malay around 10pm, tinry ko po siyang gisingin pero di na po siya nagrerespond. Bago po siya pinasok sa ICU kausap po namin siya kasama ang Team Payaman at mahal niya sa buhay and alam kong naririnig nya ‘yun dahil tumatango po siya at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko,”  malungkot na balita ni Peachy  sa isang Facebook post noong August 14.

Na-diagnose si Nimedez dahil sa leukemia noong May 2020 at sumailalim sa chemotherapy.

Humiling ng panalangin si Peachy para sa pamilya at kaibigan na naiwan ni Emman. “Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support. We hope everyone will respect the family’s privacy to mourn the passing of Emman,” wika niya.

Nabigla rin ang mga Filipino YouTuber at musicians sa biglaang pagpanaw ni Emman.

https://twitter.com/rpcaiga/status/1294830127533060096
https://twitter.com/CongTVOfficiaI/status/1294737526066823168

Unang nakilala si Emman noong 2017 dahil sa kanyang mga parody videos na nag-viral sa internet. Umabot din sa mahigit 2.17 milyon ang kanyang naging subscribers sa Youtube.