May 2, 2024

NOLI DE CATRO AT TED FAILON, WALANG PLANONG LUMIPAT NG IBANG RADIO STATION

MALABO raw na lumipat ng ibang Radio Station sina Noli De Castro at Ted Failon, dahil hanggang ngayon ay sa ABS-CBN TV Patrol at DZMM pa rin sila nagbibigay ng serbisyo. Wala rin daw balak umalis ang dalawa, mangyayari lang ang pag-lipat nila kapag hindi na talaga sila kailangan ng kanilang radio network.

Ayon pa kina Ted at Noli, mananatiling loyal daw sila sa ABS-CBN at sa DZMM. Hanggat kailangan pa sila ng kanilang network, hinding hindi nila ito iiwanan lalo na ngayon na may mabigat na pinagdadaanan ang ABS-CBN. Kaya hanggat nagbibigay serbisyo ang kanilang network, mananatili sila rito.

Pero ang balita ko kaya hindi sila makalipat ay dahil, hindi kaya ng ibang station ang kanilang Talent Fee. Sobrang taas raw nito, at walang plano ang dalawa na magbaba ng kanilang fee kaya raw ayaw silang patulan.