May 5, 2024

Skills Challenge champ si Sabonis, Stephen Curry champ sa 3-point contest

Panahon na marahil ni Domantas Sabonis upang kilalaning all-star. Pinatunayan ito ng Indiana Pacers star nang manaig sa Skills Challenge sa All-Star Weekend sa Atlanta.

Runner-up lang si Sabonis kay last year champ na si Bam Adebayo ng Miami Heat. Pero, bumida ito ngayong taon nang ungusan si Nikola Vucevic ng Orlando Magic sa final.

Tinalo ng 24-anyos na si Sabonis sa unang round si Julius Randle ng New York Knicks. Ikalawang biktima niya si Luka Doncic ng Dallas Mavericks sa semifinal, dahilan upang umabot siya sa final.

Tinalo naman ni Vucevic si Chris Paul ng Phoenix Suns sa isa pang semifinal round.Nanalo si Stephen Curry sa 2021 NBA All-Star 3-point Contest na idinaos sa Atlanta. Bumuslo ang Golden State Warriors star ng 28 points sa final.

Gabuhok lang ang panalo ni Curry kay Mike Conley ng Utah Jazz sa iskor na 27. Ito rin ang pangalawang beses na manalo ni Curry sa contest.

Nagwagi siya noong 2015.Pangatlo naman sa placing si Jason Tatum ng Boston Celtics.