May 16, 2024

Anfernee Simons ng TrailBlazers, champ sa Slam Dunk Contest

Itinanghal si Anfernee Simons ng Portland TrailBlazers bilang 2021 AT&T Slam Sunk Contest champ.

Ang 21-anyos na high flyer ang unang TrailBlazer na nanalo ng contest. Tatlo sa limang judges ang pinangalanan siyang winner laban kay rookie Obi Toppin ng New York.

Ang near-kiss dunk performance ang tumulong kay Simons upang Manalo. Samantalang between-the legs naman ang ginawa ni Toppin sa championship round.Umabanse sa final round sina Simons at Toppin nang mapatalsik si Indiana Pacers rookie Cassius Stanley sa first round.

Pinasalamatan naman ni Toppin si Simons sa magandang pagkakataon. Na kung saan nagpakitang gilas sila para sa fans.

Binati rin si Simons ng ilang NBA players sa kanyang pagkapanalo.