May 17, 2024

Simmons, Stanley at Toppin, babandera sa 2021 Slam Dunk contest

Inilabas na ng NBA ang listahan ng mga participants sa All-Star Slam Dunk Contest. Ayon kay Chris Haynes ng Yahoo Sports, nag-back-out sa contest si Zion Williamson ng New Orleans Pelicans.

Kaya, bibida rito si Anfernee Simmons ng Portland TrailBlazers. Gayundin sina Cassius Stanley ng Indiana Pacers at rookie Obi Toppin ng New York Knicks.

Ang mga nabanggit ay markadong mga high flying acrobats. Kaya, hindi aniya magiging boring ang slam dunk ngayong taon.

Nadismaya naman ang mga fans sa pag-atras ni Williamson. Siya sana ang headliner ng contest na nauna niyang sinabing sasali siya.Gayunman, uurong bandang huli habang papalapit na ang All-Star Weekend.

Ang mga magiging judges naman sa contest ay sina Dominique Wilkins, Spud Webb at Jason Richardson.Kukumpleto sa mga ito sina Dee Brown at Josh Smith.