May 21, 2024

SENATOR BONG REVILLA JR., POSITIBO SA COVID-19

HINDI rin nakaligtas si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang negative naman si Mayor Lani Mercado-Revilla gayundin ang kanilang mga anak.

“I am COVID-19 positive. Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sina Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat.”

“Kami ay nagpa-test at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan. I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday nung 40th day ni Daddy. Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation.”

“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito. Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”

Marami ang nagmamahal sa pamilya Revilla, kaya umaasa ang lahat na gagaling si Senator Bong at malalagpasan niya ang lahat ng mga pagsubok na ito.