April 30, 2024

SEN. PACQUIAO AT PRES. DUTERTE, NAGKAAYOS NA

Muling nagkaayos sina Sen. Manny Pacquiao at Pres. Rodrigo Duterte sa isinagawang short meeting sa Malacañang. Mismong ang kampo ng senador ang nagrekwest ng pulong.

Ayon kay Sen. Bong Go, nagkumustahan ang dalawa. Nagkaroon ng maikling usapan. Na naging dahilan ng panunumbalik ng kanilang pagkakaibigan.


Wala naman aniyang natalakay na usaping politics sa meeting ng senador at ng Pangulo.
NIlinaw din ni Sen. Go na kahit inupat ni Sen. Pacquiao ang administrasyon, di naman kasali ang pagiging magkaibigan nila. Magkumpare pa nga raw sila.


Hindi lang nagustuhan ng Presidente yung akusasyon niya (Pacquiao) about korapsyon sa ilang ahensiya. Ginagawa naman lahat ng Pangulo para masawata ang korapsyon,” ayon kay Sen. Go.