May 16, 2024

SEN.PACQUIAO SA MGA ASIAN HATERS, “FIGHT ME INSTEAD”

May mensahe si Sen. Manny Pacquiao sa mga sangkot at responsable sa pag-atake sa mga Asians sa United States.Katunayan, nagpost siya ng apat na litrato sa kanyang Twitter account.

“Stop attacking Asians who can’t defend themselves. Fight me instead,” aniya. ‘Fighting Senator”.

Ang mensahe ay nakasulat din sa 3 wika bukod sa English. Ito ay ang Filipino, Chinese at Korean.

We have one color in our Blood! Stop discriminating. LOVE AND PEACE TO EVERYONE!! #StopAsianHate.”

Kinondina ng 8 division world boxing champion ang shooting insident sa tatlong magkakaibang spas sa Georgia. Kung saan, 8 katao ang nasawi. Anim sa mga ito ay mga Asian women.

Nasundan pa ito ng pag-atake sa 65-anyos na lolang Filipina malapit sa Times Square sa Manhattan, New York.

Ang lola ay kinilalang si Vilma Kari. Napinagbuhatan ng kamay ng isang lalaki habang naglalakad. Sinipa ito sa sikmura ayon sa ulat ng The New York Times.

Nang bumulagta ang matanda, pinagsisipa pa ito ng lalaking kalbo ng tatlong beses sa ulo.Kalaunan, naaresto at kinasuhan na ang suspek ayon sa New York Police Department. Ito ay kinilalang si Brandon Elliot.