Nagtipon ang mga gumagamit at tagapagtaguyod ng Light Electric Vehicle (LEV), mga kinatawan ng industriya, manggagawa sa transportasyon, at mga opisyal mula sa lokal at pambansang pamahalaan sa Timog Avenue, Diliman, Quezon City noong Pebrero 27, 2026.
Ang pagtitipon ay bahagi ng “Life With LEVs: Powering the Future of Low-Carbon Mobility,” isang kaganapang inorganisa ng 350 Pilipinas katuwang ang media partner na The Trip Chainist, na kinapapalooban ng two-part panel discussion at creative action.
Layunin ng aktibidad na suriin ang mga hamon, isyu sa pagpapatupad, at ang hinaharap ng mga sasakyang tulad ng pedal-assist bicycles, e-scooters, at e-trikes sa bansa.
Binigyang-diin sa talakayan ang lumalaking papel ng LEVs sa paghubog ng pang-araw-araw na pagbiyahe, kabuhayan, at last-mile delivery services sa mga urban na komunidad.
Bukod dito, tinalakay rin ang mga oportunidad sa paggamit ng renewable energy para sa pagpapaunlad ng mga imprastraktura na susuporta sa mas malawak na paggamit ng mga naturang sasakyan.
