May 7, 2024

SARA DUTERTE HINDI NA TATAKBONG MAYOR (VP o President next?)

DAVAO CITY – Nag-withdraw na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang reelection bid sa mayoralty race.

Pasado alas-2:00 kaninang hapon nang dumating sa Comelec Davao si Mayor Inday kung saan kanyang sinabi na umatras na ito at ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang papalit sa kanyang kandidatura.

Bago ito inilagay ni Baste na kanyang nominado si Atty Melchor Quitain sa vice mayoralty race na papalit sa kanyang sa pagkandidato.

Hindi naman nagbigay pa si Mayor Sara ng dagdag na impormasyon matapos itong lumabas sa opisina ng Comelec District II.

Sa kanya namang statement sa social media, wala ring ibinigay na paliwanag ang presidential daughter sa dahilan ng kanyang pag-atras, isang linggo bago ang deadline ng Comelec substitution sa November 15.

“Ngayong hapon wini-withdraw ko ang aking kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City. Si VM Baste ang papalit sa akin. Si Atty. Melchor Quitain ang nominado namin sa pagka-Bise Alkalde. Ito lamang po muna. Maraming salamat po,” bahagi ng statement ni Mayor Sara.