Makikita sina Surigao del Norte Vice Governor Eddie Gokiangkee Jr., Governor Robert Lyndon Barbers, Mayor Francis Zamora, Surigao City Mayor Pablo Yves Dumlao II, at Vice Mayor Alfonso Casurra.
Pormal na pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora ang Sisterhood Agreements kasama ang Surigao del Norte, Surigao City, Surigao del Sur, at Tandag City sa isang makasaysayang back-to-back signing event noong Agosto 15, 2025.
Unang isinagawa ang pirmahan sa Surigao City, kung saan lumagda si Mayor Zamora kasama sina Governor Robert Lyndon S. Barbers ng Surigao del Norte at Mayor Pablo Yves L. Dumlao II ng Surigao City, na sinaksihan ng mga opisyal ng probinsya at lungsod.
“San Juan City is honored to forge these Sisterhood Agreements with Surigao del Norte and Surigao City,” pahayag ni Zamora. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Gov. Barbers habang binigyang-diin ni Mayor Dumlao ang mga oportunidad para sa kolaborasyon at pagbabahagi ng kaalaman.

Kasunod nito, tinanggap ang delegasyon sa Tandag City, Surigao del Sur sa pamamagitan ng isang Manobo tribal blessing at isang trade fair na tampok ang mga pangunahing industriya ng probinsya. Lumagda ng kasunduan si Mayor Zamora kasama sina Gov. Johnny T. Pimentel ng Surigao del Sur at Mayor Roxanne C. Pimentel ng Tandag City.
“These agreements signify our joint commitment to growth and cooperation,” ani Zamora. Inilarawan naman ni Gov. Pimentel ang kasunduan bilang “concrete commitment to work hand in hand,” habang binigyang-diin ni Mayor Pimentel na, “we are not just signing paper, we are gaining family.”
Saklaw ng kasunduan ang pagtutulungan sa larangan ng turismo, kalakalan, pamumuhunan, kultura at sining, edukasyon, kapaligiran, sports development, kalusugan at serbisyong panlipunan. Bubuo rin ng Joint Technical Working Groups para masiguro ang maayos na implementasyon ng mga programa.
