Nakapagtala ang SAFC ng kabuuang P2.09 bilyon na loan releases mula Enero hanggang Hunyo 2026, na nagpapakita ng tuloy-tuloy na paglago sa vehicle-backed at business financing portfolio nito kumpara sa parehong panahon noong 2025.
Napanatili ng kumpanya ang higit P300 milyong buwanang loan releases sa nakalipas na anim na buwan dahil sa patuloy na demand sa kanilang mga serbisyong pinansyal.
Nanguna sa paglago ang “Sangla OR/CR” loan product para sa mga kotse at trak na nakapagtala ng P1.1 bilyon sa unang kalahati (H1) ng 2026, mas mataas kumpara sa P1 bilyon noong nakaraang taon.
Nasundan ito ng secondhand car financing na nag-ambag ng P807.52 milyon, habang ang truck-related financing naman ay nagtala ng P116.97 milyon.
Bukod sa pautang sa sasakyan, umakyat din sa P393.99 milyon ang nailabas na pondo ng “JUANAsenso Loan”βang programa ng SAFC na nagbibigay ng abot-kayang pautang para sa mga negosyong pinapangunahan ng kababaihan. Mas mataas ito ng 41.6% kumpara sa P278.26 milyon noong ikalawang kalahati ng 2025.
Ayon kay SAFC President at CEO Maricel D. Dejongoy, ang mga figures na ito ay patunay ng tulong ng kumpanya sa mga pamilya at negosyanteng Pilipino, habang binigyang-diin naman ni COO Azenith S. Cabrera na naging susi sa tagumpay ang pagpapalawak ng kanilang branch network at pagsasaayos ng operational processes.
Kasabay nito, kinilala rin ng kumpanya ang mahigit 50 natatanging Loan Advisors at Partners sa ginanap na 2026 SAFC Midyear Sales Excellence Awards kung saan namigay ito ng halos P1 milyong cash incentives.
