May 16, 2024

SABADO BAKBAKAN SA DIAN NG 2023 1st SUDOKWAN NAT’L C’SHIP

MASASAKSIHAN ang matinding bakbakan sa ruweda pagsambulat ng 2023 1st Sudokwan National Championship na lalarga sa Sabado (Nov 18) sa Makati City.

Ayon kay dating Asian Games wushu gold medalist Rene Catalan ng Cstalan Fighting System Phils., lalahok sa weekend fight card ng iba’t-ibang mga pambato ng Sudokwan martial arts club nationwide kung saan ang bakbakan ay sisiklab sa Bethany Baptist Church Covered Court sa Dian St Palanan, Makati.

Ang unang pagratsada ng kaganapam ay tatampukan ng panauhing guru ng Sudokwan mula Vietnam.

Gaganapin sa Nov. 17 ang draw of lots at timbangan ng mga kalahok na fighters sa prestihiyosong kaganapang may basbas ng World Sudokwan Sports Association Inc, at sa timon ng Sudokwan Association Philippines sa kooperasyon ng Catalan Fighting System Philippines at Manahan Mixed Martial Arts.

Naging posible ang bakbakan sa Sudokwan sa “Pinas sa suporta ng Catalan Grills & Restaurant, 2E Travel, Team Anderson Li, Life Vantage, Reftec Industrial Supply Services Egg Chief, Associated Medical Services, Hayat 1 Dental Clinic, MSquare Myotheraphy and Rehab Clinic. RON TOLENTINO