Nagpaulan ng matitinding pahayag si dating Comelec Commissioner Atty. Rowena “RBG” Guanzon matapos mag-viral ang mainit na sagutan sa live television nina Palace Press Officer Usec. Claire Castro at political strategist Malou Tiquia sa TV5.
Sa nasabing segment, pinag-usapan ang umano’y pagkawala ni Orly Guteza, ngunit agad na nauwi ang talakayan sa mabilis at tensiyosong palitan ng salita sa pagitan nina Castro at Tiquia. Marami sa mga netizen ang nakatutok hindi lamang sa isyu, kundi sa tono at asal na ipinakita ni Castro habang on-air.
Kasunod ng pagkalat ng video, agad na nagreact si Guanzon sa social media at diretsahang naghamon, sinasabing mas nararapat umano siya ang nakaharap ni Castro sa diskusyon.
“Ako ang dapat itapat niyo kay Claire, dapat abogado sa abogado,” mariing pahayag ni Guanzon, na lalo pang nagpasiklab sa online debate.
Patuloy namang umaani ng komento ang insidente, habang hinihintay ng publiko kung may susunod pang palitan sa pagitan ng mga personalidad na sangkot sa kontrobersiya.
